Hindi pinalagpas ni Kapuso actress at socialite Heart Evangelista ang isang basher na bigla na lamang siyang okray-okrayin, matapos niyang ipakita ang pagrampa sa kaniyang Instagram reel.

Kilala naman si Heart na talaga namang mahilig sa fashion at hinahayaan naman siya ng kaniyang mister na muling kumakandidato sa pagkasenador na si Sorsogon Governor Chiz Escudero. Hindi rin isyu sa kanila na kahit matagal na silang kasal, wala pa silang supling.

Kamakailan lamang ay muling ipinakita ni Heart ang kaniyang outfitan sa pamamagitan ng Instagram reel. May caption itong "Tara rampa" sa saliw ng isang awitin ni Rihanna.

Screengrab mula sa IG/Heart Evangelista

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

May isang netizen naman na biglang nagkomento na para na raw siyang nasisiraan ng ulo. Ginawa pa nitong dahilan na wala pa silang anak ni Chiz kaya wala raw siyang mapagbalingan ng gagawin sa oras niya.

"Para ka ng nababaliw, wala kasing anak na pagkaabalahan," saad nito.

At wala rin siyang habas na dinurog ang naturang basher.

"ULOL. The only word your vocabulary can attain," saad ni Heart.

Screengrab mula sa IG/Heart Evangelista

Kilala si Heart sa mga celebrity na bagama't mabait at matulungin sa kapwa ay wala ring inuurungan pagdating sa bashers.