Ibinahagi ng dating ABS-CBN child actress na si Serena Dalrymple na engaged na sila ng kaniyang foreigner boyfriend na si Thomas Bredillet, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post noong unang araw ng Mayo.

Makikita sa litrato ang daliri ni Serena na may engagement ring, na sinuportahan naman ng kaniyang caption. Pambubuking pa ni Serena, nakilala niya sa isang online dating app na 'Bumble' ang kaniyang jowa, na ngayon ay fiance na niya.

"4 years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on bumble. Who knew that I’ll end up marrying this handsome smart sweet (now) American dude this year?" saad ni Serena.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Isa sa mga napa-react dito ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino, na kamakailan lamang ay inaming hiwalay na sila ng partner na si Trina Candaza, at co-parenting na lamang sa kanilang nag-iisang anak na si Mithi.

"Okay bumble," komento ni Carlo.

"@jose_liwanag online dating app success story," tugon naman ni Serena.

Marami sa mga netizen ang nagpaabot ng pagbati kay Serena, habang marami naman ang nagbirong 'Kung kilala mo si Serena Dalrymple, mag-asawa ka na'.

Nagkasama sa pelikulang 'Bata Bata, Paano Ka Ginawa' sina Carlo at Serena bilang mga anak ni Lea Bustamante, na ginampanan naman ni Star For All Seasons Vilma Santos, sa produksyon ng Star Cinema.

Magkapatid din ang role nila sa hit movie ni Ai Ai Delas Alas na 'Tanging Ina'.

Noong 2014, natapos ni Serena ang kaniyang master's degree sa international business mula sa Hult International Business School London.