Muling nanguna ang tandem nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Sara Duterte sa pinakabagong survey ng OCTA Research group na isinagawa noong nakaraang buwan.

Isinagawa ang face-to-face Tugon ng Masa Survey noong Abril 22 hanggang 25 na mayroong 2,400 respondents at margin of error +/-2%

Nakakuha si Marcos ng 58% ng preference votes habang 25% naman si Vice President Leni Robredo.

OCTA

Sinundan ito ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may walong porsiyento; Senador Manny Pacquiao, limang porsiyento; Senador Ping Lacson, dalawang porsiyento; Faisal Mangondato, isang porsiyento; at 0.2 naman sina Norberto Gonzales at Ka Leody de Guzman.

Samantala, nanguna rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa nasabing survey.

Nakakuha siya ng 56% ng voters preference at sinundan siya ni Senate President Vicente Sotto III na may 22%.

OCTA

Pangatlo naman si Senador Kiko Pangilinan, 16%; Pang-apat si Doc Willie Ong, apat na porsiyento at panglima si Lito Atienza na may isang porsiyento.

Ang iba pang vice presidential candidate ay sina Manny Lopez (0.1%), Walden Bello (0.03%), at Carlos Serapio (0.001%).

Matatandaan na nanguna rin ang BBM-Sara tandem sa Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research na isinagawa noong Abril 2 hanggang 6, 2022.