Arestado ang anim na drug suspects matapos masamsaman ng ₱652,800 halaga ng umano'y ilegal na droga sa hiwalay na buy-bust operation sa Taguig City at Parañaque City nitong Miyerkules, Mayo 4, ayon kay Southern Police District (SPD) Director Brig. General Jimili Macaraeg. 

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong 10:20 ng gabi sa harapan ng Tenement Building Brgy. Western Bicutan, Taguig City, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sina Marlon Piñon, 45, at John Paul Villavicencio, 29, at nasamsam ang 65.3 gramo ng 'shabu' na nagkakahalaga ng  ₱444,040, coin purse at marked money.

Samantala, sa ikinasang operasyon ng DDEU-SPD, DID, DMFB-SPD at Substation 4 ng Parañaque City Police sa Silverio Compound, Brgy. San Isidro, bandang 11:30 ng gabi ng Miyerkules, ay nadakip ang mga suspek na sina NorFajad Mulod Utto, 21, isang high value individual pusher, construction worker; Edmund Agduma Ugay, 32, driver; Jerome Villaneda Callo, 45, driver; at Anthony Sale Deto, 37, vendor, pawang mga street level individual pusher, at taga-Parañaque City.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nakumpiska sa mga suspek ang 30.7 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱208,760, buy-bust money, isang caliber .45 firearm, magazine at pitong bala ng naturang baril, sling bag, at coin purse.

Ang lahat ng ebidensiya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sa  chemical analysis at ballistics examination na gagamitin naman sa pagsasampa ng kaukulang mga kaso laban sa anim na suspek.