Napagwagian ng isang taga-Pangasinan ang tumataginting na P51.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Martes ng gabi, Mayo 3.

Sa paabiso nitong Miyerkules, iniulat ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang six-digit winning combination ng Regular Lotto 6/42 na 07-22-19-20-40-10, kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na P51,412,148.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa San Quintin, Pangasinan.

Upang makubra naman ang kanyang premyong napanalunan, pinayuhan ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma ang masuwerteng mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kailangan rin aniya nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong ID.

Hinikayat rin ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto, at iba pang palaro ng PCSO, upang magkaroon na ng tiyansa na maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.