Napanatili ni Sandro Marcos ang kaniyang pangunguna sa survey sa pagkakongreso, na pinaboran ng karamihan ng mga respondent sa survey ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD). Batay sa pinakahuling survey, si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, ang anak ni dating Senador Bongbong Marcos at kandidato para sa Ilocos Norte-1st district congressional seat, ay kasalukuyang nangunguna sa karera na may 65% voter preference.

Nanguna ng tatlumpu't tatlo na puntos si Sandro Marcos. Pumangalawa lamang si Ria Fariñas na nakapagtala ng 32% voter preference. Tatlong porsyento ang nananatiling undecided.

Inaasahang sasabak si Sandro Marcos sa pamilya Fariñas para sa puwesto. Si Ria Christina Fariñas ang kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.

Nanguna rin si Sandro Marcos sa survey ng RPMD na isinagawa noong Abril 17-21, 2022, na may 62% na voter preference. Inaasahang sasabak si Sandro Marcos laban kay Ria Christina Fariñas ang kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Sandro Marcos, anak ni dating Senador Bongbong Marcos sa pulitika.

Isinagawa ang survey nang malaya at walang komisyon mula Abril 28 hanggang Mayo 2, 2022 na mayroong 1,000 rehistradong botante. Ito ay may margin of error na 3% (+/-) at gumamit ng random sampling.