Napa-react ang aktor at certified Kakampink na si Romnick Sarmenta sa pahayag ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso kaugnay ng di matapos-tapos na away umano sa pagitan ng 'pula' at 'dilaw', habang nasa sortie sa Lingayen, Pangasinan.
“Hindi na matatapos ang away ng pula at dilaw, either of them kung sino ang iboboto nyo, and I will respect that whoever you are going to vote whether pula o dilaw because this is democracy. And I respect everyone's rights, views, and opinions, “ pahayag nito sa kanyang pagbisita sa Lingayen noong Sabado, Abril 30.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/01/away-ng-pula-at-dilaw-itigil-na-isko/">https://balita.net.ph/2022/05/01/away-ng-pula-at-dilaw-itigil-na-isko/
Kaya giit nito sa mga taga-Pangasinan na siya ay samahan sa laban. Tiniyak din ng alkalde na sakaling siya ang pagbibigyan ay makakamit ng mga tao ang peace of mind.
Bagay na kinontra naman ni Romnick sa kaniyang tweet noong Mayo 1. Bagama't wala siyang binanggit na pangalan, natunugan naman ng mga netizen
"I politely disagree with the statement that says: Di matatapos ang gulo kapag pula o dilaw ang manalo," ani Romnick.
"Ang tamang statement ay: Di matatapos ang gulo, kapag trapo ang nanalo."
"We deserve a better government, that is transparent, accountable and pro-Philippines," pahayag pa niya.
Samantala, wala pang tugon o reaksyon si Yorme Isko tungkol dito.