Trending topic sa Twitter ang ‘#KakampINC’ matapos ang tila pagsuway ng ilang nagpakilalang miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa pag-endorso ng religious group sa kandidatura ni Bongbong Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa darating na halalan.

Matapos ligawan ng maraming kandidato sa pagkapangulo ang isa sa pinakamaimpluwensyang religious groups sa bansa, pormal na ibinigay ang basbas nito sa BBM-Sara tandem, Martes ng gabi.

Basahin: Iglesia ni Cristo, inendorso ang BBM-Sara tandem – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang senatorial candidates din kabilang ang limang senador ng UniTeam ang binasbasan ng naturang religious group.

Basahin: 5 kandidato sa senatorial slate ng UniTeam, pasok sa listahan ng INC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos magdiwang ng maraming tagsuporta ng UniTeam para sa dagdag na numero, ilang matapang na deklarasyon sa social media naman ang ginawa ng ilang nagpakilalang miyembro ng malaking grupo.

Dahil dito, trending topic sa Twitter ang #KakampINC, bakas ng ilang miyembro ng INC na tila humahaon at hayagan ang pagtutol sa kaisahan ng INC sa darating na halalan. Sa halip, ang piniling tandem ng mga ito ay sina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa ilang dahilan.

https://twitter.com/_wixiie/status/1521463047571009536

https://twitter.com/alydee__/status/1521683344173711361

https://twitter.com/ArixBCPJ/status/1521663221547286529

https://twitter.com/jmxiie/status/1521494479014105089

https://twitter.com/John72333147/status/1521492912760045570

Samantala, pinabulaanan ng ilang kapwa miyembro ng INC ang mga naglipanang Twitter accounts na anila'y INC members at unang nagdeklara ng pagtutol sa pasya ng grupo.

Depensa naman ng isang KakampINC, “If we reveal our identities, aren’t we going to be harassed by the other members of the church? You want us reveal our identities because you want to silence us. We’re not blind followers. We have our own judgment. We will choose what’s morally correct.”

Kilala ang INC sa kanilang bloc-voting, o ang pagsunod ng miyembro sa kandidatong iniendorso ng kanilang matatas na opisyal sa panahon ng eleksyon para sa pinaniniwalaang kaisahan.

Sinasabing higit dalawang milyong boto ang kayang iambag ng INC sa sinumang kandidato na mabibigyang basbas para sa kanilang unity vote.