Sa kabila ng mahinang numero sa mga presidential survey, tiwala si presidential aspirant Senator Manny Pacquiao na mananalo pa rin siya sa darating na halalan at lalabas bilang isang "dark horse" ng karera.

Ito ang pulso ni Pacquiao at ng kanyang kampo batay sa dami ng mga sumuporta na sumipot sa kanyang mga motorcade at grand rally sa iba't ibang probinsya.

“Nakita ninyo iyong tao, kasama ko kayo, wala akong hakot, wala akong pang-merienda o kahit patubig sa kanila. Halos isang araw silang naghihintay, hapon pa lang naghihintay na sila dumating tayo,” aniya nitong Martes.

Naniniwala si Pacquiao na ito ay dahil ang mga kumakatawan sa D at E classes ay napagod na sa tradisyonal na pulitika.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“Talagang mga tao ay uhaw sa tunay na pagbabago at nararamdaman nila sa puso ni MP (Manny Pacquiao), si MP ang kanilang pag-asa para sa tunay na pagbabago,” aniya.

Joseph Pedrajas