Sa tuwing may pambansang halalan, inaabangan palagi ang pag-endorso ng religious group na Iglesia ni Cristo.

Tradisyunal kasi na "nililigawan" ng mga kandidato ang mga pinuno ng INC upang makuha ang suporta nito.

Ngunit bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang pagsuporta ng Iglesia ni Cristo?

Malaki umano ang impluwensya ng INC pagdating sa larangan ng politikahindi dahil sila ang pinakamarami o pinakamalaki kung hindi dahil kilala sila sa kanilang “bloc-voting” na kung saan inaasahan na iboboto ng mga miyembro nito ang kanilang mga inendorsong kandidato.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ginagawa ito ng kanilang mga miyembro dahil sa kanilang tunay na pagkakaisa na batay sa kanilang doktrina.

Ang pananaw ng INC ay ang pagkakaroon umano ng pagkakaisa sa pananampalataya at sa paggawa. Ang mga miyembro nito ay nakatuon sa buhay na banal na batay sa katuruan at nakatuon din sila sa lahat ng kanilang tungkulin bilang mga Kristiyano.

Pumipili ang mga lider nito ng mga i-eendorsong kandidato na batay umano sa aral sa Bibliya na dapat sundin.

Tinatayang nasa mahigit tatlong milyon ang miyembro ng INC sa Pilipinas habang nasa mahigit dalawang milyon naman ang rehistradong botante nito.

Itinatag ni Bro. Felix Y. Manalo ang Iglesia ni Cristo noong Hulyo 27, 1914. Kasalukuyan naman itong pinamumunuan ni Bro. Eduardo V. Manalo.

Samantala, narito ang listahan ng mga sinuportahan na kandidato INC sa pagka-pangulo simula noong 1990s.

1. Danding Cojuangco (1992) - sinuportahan ngunit siya ay natalo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

2. Joseph Estrada (1998) - nanalo si Estrada laban kina Raul Roco, Jose de Venecia, Emilio Osmeña, Alfredo Lim, Renato de Villa, Juan Ponce Enrile, Santiago Dumlao, at Miriam Defensor Santiago.

3. Gloria Macapagal Arroyo (2004) - nanalo si Arroyo laban kina Fernando Poe Jr., Raul Roco, Panfilo Lacson, at Bro. Eddie Villanueva.

4. Benigno S. Aquino (2010) - nanalo rin si Aquino laban kina Joseph Estrada, Manuel Villar Jr., Gilberto Teodoro, Bro, Eddie Villanueva, at Richard Gordon.

5. Rodrigo Duterte (2016) - nanalo ang unang Mindanaoan president laban kina Grace Poe, Jejomar Binay, Mar Roxas, at Miriam Defensor Santiago.

Ngayong 2022, inendorso ng INC si dating Senador Bongbong Marcos, Jr. sa pagka-pangulo.

Inendorso rin siya noong 2016 bilang kandidato sa pagka-bise presidente ngunit siya ay natalo ni Vice President Leni Robredo.