Tila may pasaring ang social media personality na si Janina Vela tungkol sa negative campaigning.
"Tanong lang po.. bakit po “negative campaigning” yung pag-call out ng criminal allegations ng isang kandidato pero hindi ang pagtawag na “loser” o “lugaw”? saad niya sa kanyang Twitter account ngayong Martes, Mayo 3, 2022.
"Correction: hindi lang po pala “allegations”, kungdi “CONVICTIONS”," dagdag pa ni Vela na isang kakampink o taga suporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.
Matatandaan na tinatawag na lugaw, loser, at lutang si Robredo ng mga supporters ng ibang mga kandidato.
Madalas na ring nakakasama sa mga campaign sortie ng Leni-Kiko tandem si Vela maging sa mga house-to-house campaign para sa tandem.
Si Janina Vela ay kilala bilang isang YouTuber. Makikita rin sa kaniyang YouTube channel ang mga content niya tungkol sa Martial Law. Kasalukuyan siyang may 723K subscribers at 334k followers sa Instagram.