Nagpunta sa 'in a good place' si Kapamilya actress-host Kim Chiu!

Ibinida ni Kimmy sa kaniyang Instagram post noong Abril 29 na nagbakasyon siya sa Coron, Palawan. Bahagi ito ng kaniyang birthday treat sa sarili dahil sa kaniyang kaarawan.

"I𝐧 𝐚 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐩𝐥𝐚𝐜𝐞. #foreverthankful #justgrateful" saad sa caption ni Kim, kalakip ang mga litrato niya sa beach.

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

Kasama ni Kimmy ang kaniyang pamilya na espesyal na nag-set up para sa kanilang family dinner. Finally ay nakasama na rin niya ang mga kapatid, lalo na ang brother niyang piloto na si John Paul Chiu.

"These are the moments, the moments we live for. Thankful for #giftoflife and #giftoffamily wouldn’t trade this for anything even on my next life still want to be part of this family. Thank you sa paandar na set up sissy @kamchiu thank you @twoseasonsphilippines coron," sey ng 'It's Showtime host.

Sa isa pang IG post, makikitang naka-relax lamang si Kim at nakatanaw sa malawak na dagat.

"Just how I imagined where I wanted to be. Sat here for hours, no phone, just enjoying the view and sound of nature. Thank you @alfa1charlie for these snaps," saad sa caption at may pa-quote pa mula sa isang nagngangalang 'JenniY'.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pahayag na 'in a good place' nang batiin siya ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo para sa kaniyang kaarawan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/21/b-day-greetings-ni-vp-leni-kay-kakampink-kim-chiu-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/04/21/b-day-greetings-ni-vp-leni-kay-kakampink-kim-chiu-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/

"Kim, Happy, Happy Birthday. Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. Ah, I know you're in a good place now, follower mo ako sa YouTube channel mo," pahayag ni VP Leni.

Isang inspirasyon daw ang buhay ni Kim Chiu dahil isa siyang mabuting ehemplo ng isang tao na nagawa pa ring makatayo at maipagpatuloy ang buhay, kahit na binira ng mga kontrobersiya ang buhay. Kaya naman, hindi malilimutan ni Kimmy ang pagdiriwang ng kaniyang 32nd birthday noong Abril 19 dahil dito.

"OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!!! Nakakaiyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw-araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito, rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba," wika ni Kim.

"Grabe saludo po ako sa inyo Ma'am and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka-personal po ng message ninyo. Maraming-maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn't expect this pero maraming salamat po."

Bukod sa pasasalamat dahil sa birthday video, pinasalamatan din ni Kim ang pangalawang pangulo sa pagbibigay umano ng buhay para sa bayan sa pamamagitan ng pagkandidato nito sa pagkapangulo. Opisyal na idineklara ni Kimmy na isa siyang certified Kakampink.

"SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN. Makakaasa po kayo KASAMA N'YO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT."

"Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE."

"I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor 'Leni' Gerona Robredo," aniya.

"Special thank you to @bigbadbawang and the staff of VP @bise_leni for sending this video at sa mga rosas na binigay ninyo maraming-maraming salamat po. Ako si KIM CHIU #KakamPINK ninyo. Advance HAPPY BIRTHDAY PO VP LENI," pagbati rin ni Kim Chiu kay VP Leni.

Noong Abril 21, nakatikim ng talak mula kay Kimmy ang isang netizen na nanlait nga sa pinag-uusapang pahayag ni VP Leni, na kung tutuusin ay wala namang mali.

"OMG kinilabutan ako pagbati ni madam VP ky Kim Chiu. Kala ko talaga RIP na. Sorry #KimChiu had to play the video nang ulit2x," panlilibak ng netizen.

Sey naman ni Kim Chiu, "Wag ka nga! Di naman ikaw yung binati eh. Ako di ba? Ako yung nag-birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Ako kasi naintindihan ko, para sa akin naman yung message. Ikaw ba? Nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo? Bawas nega. Para angat buhay lahat. Smile!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/21/basher-nakatikim-ng-talak-kay-kim-chiu-matapos-okrayin-ang-b-day-greetings-ni-vp-leni-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/04/21/basher-nakatikim-ng-talak-kay-kim-chiu-matapos-okrayin-ang-b-day-greetings-ni-vp-leni-sa-kaniya/

Marami kasi sa mga netizen ang napa-react sa 'I know you're in a good place now' na sinabi ni VP Leni, na ayon sa mga netizen ay kadalasang ginagamit kapag namatay na.

Paglilinaw naman ng iba pa, walang mali sa sinabi ni VP Leni. Ito umano ay maituturing na 'conversational sentence structure'. Kung isasalin umano ito sa wikang Filipino, ito ay "Alam kong nasa mabuti kang kalagayan ngayon."

Kamakailan lamang, muli na naman siyang nalagay sa kumukulong tubig dahil sa naging tweet niya tungkol sa 'spokesperson'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/30/kim-chiu-kay-bbm-bakit-parang-mas-si-sir-spokesperson-yung-laging-sumasagot-siya-po-ba-yung-tatakbo-upd/">https://balita.net.ph/2022/04/30/kim-chiu-kay-bbm-bakit-parang-mas-si-sir-spokesperson-yung-laging-sumasagot-siya-po-ba-yung-tatakbo-upd/

Bukod sa mga celebrity na bumakbak sa kaniya, ilan sa mga showbiz personality na nagbigay ng komento ritoay sina Arnell Ignacio at Cristy Fermin.

Payo ni Arnell, kumuha ng sariling spokesperson si Kimmy para hindi ito sumasabit.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/arnell-ignacio-pinayuhan-si-kim-chiu-para-hindi-raw-sumasabit-get-a-spokesperson-for-yourself/">https://balita.net.ph/2022/05/02/arnell-ignacio-pinayuhan-si-kim-chiu-para-hindi-raw-sumasabit-get-a-spokesperson-for-yourself/

Si Cristy naman, hindi na malaman kung sinasadya ba ni Kim ang mga ganitong klaseng tweet para siya pag-usapan. Sinabihan pa niya ito na magpa-Feng Shui.

Wala pang komento o reaksyon si Kim tungkol dito, na matapos ang pagbabakasyon sa 'in a good place' ay balik hosting na sa 'It's Showtime'.