Time out muna kahapon sa mga campaign sorties ng Leni-Kiko tandem si senatorial aspirant Atty. Chel Diokno dahil inuna muna niya ang pagdalo sa oath-taking ceremony ng kaniyang bagong abogadong anak.

"My girl is now an attorney-at-law! Accompanied @layadiokno at the oath-taking ceremony for new lawyers today.(Pasensya na’t wala ako sa mga sorties ngayon, daddy duties muna)," ani Diokno sa kanyang Facebook post kahapon, May 2, 2022.

Proud at excited na raw siyang makita ang anak na si Laya sa new journey nito.

"Feeling proud, happy, and excited to see Laya off on her new journey. I will do everything I can to help her and guide her as she charts her own path," saad pa ng senatorial aspirant.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ginanap ang oath-taking ceremony ng mga bagong abogado noong Mayo 2, 2022 sa SM Mall of Asia Arena na dinaluhan ng 8241 na mga nakapasa sa bar examination.