Inamin ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang talumpati sa naganap na sortie ng Leni-Kiko tandem sa Sta. Rosa, Laguna noong Abril 30 na matagal na silang magkakakilala nina presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.
Nang ideklara daw ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na siyang ama ni BBM ang Batas Militar sa Pilipinas, tanda pa ni Mega na nanonood siya ng cartoons noon.
Kilala raw ni Shawie ang pamilya Marcos ngunit hindi naman daw sila ganoon ka-close. Ang pinaka-close daw niya sa Marcos siblings ay si BBM.
“Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time," ani Sharon.
"Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally. Hindi naman ganoong ka-close."
"Pero kilala ko sila… I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” saad ng Megastar.
Samantala, si Inday Sara naman ay isa palang Sharonian. Hangad daw ni Shawie na kahit matapos na ang halalan at kung anoman ang mangyari, sana raw ay maging magkaibigan pa rin sila ni Inday Sara. Parang kapatid na babae raw niya ito.
"I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister… Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections… I hope we can still be friends.”
Ngunit sa puntong ito, Leni-Kiko tandem umano ang nararapat iboto ng sambayanan.
“Do you want your children, your grandchildren and your grandchildren’s children and so on and so forth – all the generations to come, to say, ‘My lola or my mother or my father or my lolo voted for the right leaders when they could?'"
“You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth. It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito," aniya.