Sa loob ng dalawampung taon na pananatili ni Toni Gonzaga sa showbiz industry—bilang artista, host, at producer—ay kilala na siya ng halos lahat ng Pilipino. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, usap-usapan siya dahil sa ibang isyu—ang kaniyang pananaw na pampulitika.

Photo courtesy: Yummy Dingding

Nakalulungkot na tampulan siya ngayon ng mga negatibong komento mula sa mga hindi sang-ayon sa kaniyang mga sinusuportahan na kandidato. Noong nakapanayam niya si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) sa kaniyang online show na ToniTalks, marami ang nagalit sa aktres kahit pa nagkaroon din siya ng mga panayam sa mga politikong mula sa iba’t ibang political party.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nagpatuloy ang pamba-bash at pag-cancel kay Toni nang naging regular siya sa mga campaign rallies ng UniTeam ni presidential candidate BBM at ni vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte.

Photo courtesy: Gee Plamenco, Jr.

Ngunit hindi alintana ni Toni ang patuloy na panghuhusga sa kaniya. Sa tagal niya sa showbiz, nasanay na siya na ma-cancel, at alam na niya ang pagkakaiba ng tunay na nagmamalasakit at yung nais lang manira ng kapwa.

Sa halip na patulan, patuloy lang na paninindigan ni Toni ang kaniyang prinsipyo at paniniwalang politikal, na kaniyang karapatan.

Sa katunayan, ginagamit ni Toni ang negative energy na ibinabato sa kaniya bilang instrumento upang lalo pang isulong ang positibong pangangampanya ng UniTeam. Noong Las Piñas campaign rally, iginiit niya na unity at Filipino culture, hindi cancel culture, ang nananaig sa UniTeam at mga taga-suporta nito.

Ang toxic na cancel culture

Talagang nakakadismaya ang mga taong patuloy na gumagamit ng “cancel card” laban sa mga kaiba nila ng pananaw sa pulitika, na para bang sila lang ang tama at may alam.

Photo courtesy: AC Sales

Tayo ay namumuhay sa isang demokratikong lipunan. Kung pinahahalagahan natin ang demokrasya, dapat nating tanggapin na hindi lahat ng tao ay may parehong paniniwala gaya ng sa atin, at dapat nating bigyan ang bawat tao ng parehong paggalang na hinihingi natin para sa ating sarili. Ang kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag ay hindi eksklusibo sa isang partikular na partido o grupo, ito ay karapatan ng bawat Pilipino.

Kaya naman nakamamangha ang katatagan ni Toni sa kabila ng mga pambabatikos sa kaniya. Sa katunayan, mayroon siyang mahalagang mensahe tungkol sa cancel culture. Sabi niya, “No matter how many people or how many times you were cancelled by other people, what’s important is you never cancel yourself. Everybody can be against you, but you never have to be against yourself. Because that’s the biggest betrayal.”

Photo courtesy: AC Sales

Sa gitna ng mga masasakit na salita na ibinato sa kanya, paulit-ulit lang na napatunayan ni Toni na siya ay matatag, made of steel kung tawagin. Hindi siya nababahala dahil kilala niya ang kanyang sarili, alam niya kung ano ang kanyang pinaniniwalaan, at alam na alam niya ang kanyang mga karapatan bilang tao at bilang isang Pilipino.