Makatitikim muli ng ayuda ang mga solo parents, persons with disabilities (PWDs) at senior citizens mula sa Quezon City government sa loob ng isang taon.

Ito ang tiniyak ng pamahalaang lungsod at sinabing tulong ito sa mga kuwalipikadong residente upang mapagaan ang kanilang gastusin sa bunsod ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Paliwanag ng pamahalaang lungsod, ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ay tatanggap ng P500 kada buwan sa loob ng 12 na buwan.

Paglilinaw ng local government, isang miyembro lamang kada pamilya ang makatatanggap ng ayuda.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kapag natapos na ang 12 na buwan, maaaring muli mag-apply ang mga ito para maisama pa ulit sila sa programa.

PNA