Pasok sa listahan ng inendorsong kandidato ng Iglesia ni Cristo ang limang senatorial aspirant sa ilalim ng UniTeam slate nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Mayor Sara Duterte.

Naunang banggitin sa listahan ay sina Marcos at Duterte bilang inendorsong kandidato sa pagka-presidente at bise presidente. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/

Kabilang sa limang senador ng UniTeam na inendorso ng naturang religious group ay sina dating Senador Jinggoy Estrada, reelectionist Senador Sherwin Gatchalian, Antique Rep. Loren Legarda, dating DPWH Secretary Mark Villar, at reelectionist Senador Juan Miguel Zubiri. 

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang iba pang senador na inendorso ng INC ay sina dating Bise Presidente Jejomar Binay, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, retired PNP Chief Guillermo Eleazar, dating Senador JV Ejercito, Sorsogon Gov. Francis Escudero, aktor Robin Padilla, at reelectionist Senador Joel Villanueva.

Nangyari ang endorsement sa pamamagitan ng Mata ng Agila Primetime News sa INC-owned channel na Net 25 nitong Martes, Mayo 3, 2022.