Peke ang kumakalat na impormasyon sa social media na magpapatupad ng unified curfew hours sa Metro Manila simula Mayo 1, ayon sa pahayag ngMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes ng hapon.

Nilinaw ng MMDA na ang nasabing impormasyonay hindi nanggaling sa ahensya.

Paliwanag ng ahensya, wala nang ipinatutupad na unified curfew sa National Capital Region (NCR).

Gayunpaman, ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila ay may kanya-kanyang ordinansa tungkol sa curfew sa mga menor de edad.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Binalaan ng MMDA ang publiko na huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media na nagdudulot lamang ng kalituhan.

Pagdidiin ng MMDA, alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon bago ito paniwalaan.

Idinagdag pa ng ahensya, maaaring tumawag ang publiko sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official Facebook page, Twitter at Instagram upang hindi mabiktima ng "fake news."