Special mention umano ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) partylist representative Claudine Bautista-Lim ang aktor na si Enchong Dee sa ginanap na campaign rally sa Crocodile Park, Davao City nitong Linggo, Mayo 1, 2022.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, isinalin nila sa wikang Tagalog ang bahagi ng talumpati ni Bautista-Lim tungkol kay Enchong Dee. Matatandaang sinampahan niya ng kasong cyber libel ang Kapamilya actor, matapos ang ginawa nitong tweet kaugnay ng kasal nila sa Balesin Island Resort ng negosyanteng fiance na si Tracker Lim.

"The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise," sey ni Enchong sa kaniyang tweet noong Agosto 14, 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/11/enchong-dee-kakasuhan-ng-%e2%82%b11-b-libel-case/">https://balita.net.ph/2021/11/11/enchong-dee-kakasuhan-ng-₱1-b-libel-case/

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Gusto niyo ba pasayawin natin siya dito?" tanong umano ni Bautista-Lim sa mga dumalo sa kaniyang sortie.

'Dili' o 'Hindi' naman daw ang tugon ng mga tao.

"Ayaw n'yo? Ayaw ninyong patawarin? Kayo ang nagsabi niyan, ha?"

Hindi naman nabanggit sa ulat kung nakahanda na bang patawarin o i-urong ang kaso laban sa Kapamilya actor.

"Kidding aside, we have a lot of programs and projects [under DUMPER partylist] that we want to continue…” ani Bautista-Lim.

Nakakalula ang presyo ng bayad-danyos para sa cyber libel case na isinampa ni Bautista-Lim laban kay Enchong na umabot ng ₱1B. ( ₱500K para sa moral damages at ₱500K para sa exemplary damages).

Agosto 18, 2021, humingi ng dispensa si Enchong sa DUMPER partylist representative, sa mister, at sa pamilya nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/18/enchong-dee-kay-puv-driver-party-list-rep-bautista-i-take-full-responsibility-for-my-lapse-in-judgment/">https://balita.net.ph/2021/08/18/enchong-dee-kay-puv-driver-party-list-rep-bautista-i-take-full-responsibility-for-my-lapse-in-judgment/

Na-acknowledge naman ito subalit itinuloy pa rin nila ng pagsampa ng kaso sa Davao Occidental, hanggang sa maikasa na nga ng prosecutor's office.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/12/rep-claudine-bautista-lim-itinuloy-ang-kaso-vs-enchong-dee-matapos-muntik-makunan/">https://balita.net.ph/2021/11/12/rep-claudine-bautista-lim-itinuloy-ang-kaso-vs-enchong-dee-matapos-muntik-makunan/

Enero 31, 2022, boluntaryong sumuko si Enchong sa Quezon City branch ng National Bureau of Investigation o NBI matapos magbayad ng piyansang ₱48K para sa kaniyang pansamantalang kalayaan matapos lumabas ang warrant of arrest sa kaniya. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy lamang si Enchong sa kaniyang trabaho bilang performer sa ASAP Natin 'To at host ng' Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/01/enchong-dee-nakapagpiyansa-at-nakalaya-matapos-kusang-sumuko-sa-nbi/">https://balita.net.ph/2022/02/01/enchong-dee-nakapagpiyansa-at-nakalaya-matapos-kusang-sumuko-sa-nbi/

Pebrero 1, 2022, naglabas naman ng pahayag ang legal counsel team ni Enchong upang linawin at pabulaanan ang isyu ng 'pagtatago' umano ng kanilang kliyente.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/01/kampo-ni-enchong-nagbigay-ng-opisyal-na-pahayag-kaugnay-ng-%e2%82%b11b-cyber-libel-case/">https://balita.net.ph/2022/02/01/kampo-ni-enchong-nagbigay-ng-opisyal-na-pahayag-kaugnay-ng-₱1b-cyber-libel-case/

“Contrary to certain media reports, Enchong Dee has been attending to his professional and personal commitments in the past couple of days and has not made any attempt to evade arrest."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/30/enchong-nagtatago-nga-ba-huling-mga-post-niya-sa-social-media-alamin/">https://balita.net.ph/2022/01/30/enchong-nagtatago-nga-ba-huling-mga-post-niya-sa-social-media-alamin/

“More importantly, as a show of respect for the rule of law, he voluntarily surrendered himself to the authorities and posted bail."

“Moving forward, Enchong will take all the appropriate and necessary legal steps to defend himself against the impending lawsuit."

Abswelto naman umano sa kaso ang mga kapwa celebrity ni Enchong na sina Ogie Diaz, Pokwang, at Agot Isidro.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/28/prosecutors-inihain-na-ang-1b-cyber-libel-case-kay-enchong-agot-pokwang-at-ogie-diaz-nakalusot/">https://balita.net.ph/2021/12/28/prosecutors-inihain-na-ang-1b-cyber-libel-case-kay-enchong-agot-pokwang-at-ogie-diaz-nakalusot/

Sa kasalukuyan ay wala pang update sa development ng kasong ito.