Naglabas na ng saloobin si Senator Leila de Lima sa social media kaugnay ng sunud-sunod na pagbawi ng mga state witness sa kanilang testimonya na nagdidiin sa kanya sa kinakaharap na drug cases sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC).

“Mahigit 5 taon na akong ipinakulong at naghihintay sa pagkakataong ito. Mahigit 5 taon ng inhustisya. Sa kabila nito, nagpapasalamat ako sa lalong pagtibay at paglabas ng katotohanan na ako ay inosente, at kung sino ang mga nagsabwatan para ako'y siraan, gipitin at patahimikin,” bahagi ng kanyang tweet nitong Lunes ng hapon.

Umaasa rin ang senador na babawiin na rin ng iba pang testigo ang kanilang testimonya laban sa kanya kaugnay ng nasabing kaso.

“Five years too late but still appreciated. Sana makonsensya na rin lahat ng nasangkot sa gawa-gawang kaso laban sa akin. Patuloy po ang laban natin para sa katotohanan at hustisya.It appears, after all, that justice will still be served, no matter how late. Five years too late. But indeed, Truth often bides its time. It patiently waits and is never vanquished,” sabi pa ng senador.'

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Pinakahuli si Rafael Ragos, dating officer-in-charge (OIC) ngBureau of Corrections (BuCor) sa umatras sa kanyang testimonya laban sa senador kasabay nang pagsasabing binantaan lamang siya ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magharap ng gawa-gawang alegasyon laban kay De Lima.

Dati nang tumestigo si Ragos at sinabing tumanggap sa kanya si De Lima ng milyun-milyong kita sa pagbebenta ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

View Post

Humingi na rin ng paumanhin kay De Lima si Ragos dahil sa pagtestigo nito at sinabing dapat nang maabsuwelto ang senador sa kaso.

Si De Lima ay nakakulong pa rin sa Philippine National Police (PNP)-Custodial Center sa Camp Crame mula pa noong Pebrero 2017.

Kamakailan, iniurong na rin ni suspected drug lord Kerwin Espinosa ang dati niyang sinumpaang salaysay na nagdidiin din kay De Lima sa kaso.