'Sa gobyernong tapat, sha-shot lahat!'

Game na game makisalo ang komedyante-TV host na si K Brosas sa request ng publiko na mag-karaoke at tumagay sa gitna ng house-to-house campaign for Leni nito.

Sabay sa pakikipag-talakayan ng singer ay ang pagpapakitang-gilas nito nang kantahin niya ang kantang "Natatawa ako" sa isang birthday party habang kinakampanya si Bise Presidente Leni Robredo.

"Yes po tama po naki bidyoke ako at naki shot lol! straight ha! kaya ipanalo na natin to bago ako malasing chos lang. 1 beses lang naman hehe. #LeniKiko2022," tweet ni K na aprub naman sa netizens.

https://twitter.com/kbrosas/status/1520694985896579072

Aniya, dahil postponed naman ang show niya noong Linggo, Mayo 1, inilaan na lamang niya ang kanyang oras sa bilang volunteer campaigner.

"Yes po.. nag house na house uli po tayo bago mag labada uli. nung nalaman ko na postponed show ko today ako mismo nag volunteer agad agad. iba talaga pag tao sa tao. nakinig naman sila at masaya lang. lablablab! #LeniKiko2022," ani K.

Dagdag pa niya, muntik pa siyang magtampisaw sa mga naliligo sa isang maliit na pool para lang ikampanya ang tambalang Leni-Kiko (Sen. Francis Pangilinan).

https://twitter.com/kbrosas/status/1520701439852482561

Ani K, ngayon lamang niya ginawa ang house-to-house campaign para sa sinusuportahan nitong mga politiko.

"Yes po! tama lahat sinabi nyo.. kc this time or for the very first time paninidigan ang inilalaban namin kaya ipanalo na natin to! salamat," reply ni K sa isang netizen na nagsabing historical ang kampanyang Leni-Kiko dahil ang mga kilalang tao na noong ay kinakailangan pang bayaran ay kusa nang nagkakampanya nang libre para mangumbinsi.