Kamakailan lamang ay naging laman na naman ng usap-usapan si 'It's Showtime' host at Kapamilya actress Kim Chiu dahil sa kaniyang kontrobersyal na tweet kaugnay ng kaniyang 'curiosity' sa palagian umanong pagsagot ng 'spokesperson' ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos, Jr. sa mga isyu o usaping kinahaharap nito, kaysa sa mismong boss nito.

"Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious," aniya noong Abril 29.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/30/kim-chiu-kay-bbm-bakit-parang-mas-si-sir-spokesperson-yung-laging-sumasagot-siya-po-ba-yung-tatakbo-upd/">https://balita.net.ph/2022/04/30/kim-chiu-kay-bbm-bakit-parang-mas-si-sir-spokesperson-yung-laging-sumasagot-siya-po-ba-yung-tatakbo-upd/

Agad itong umani ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. Sa isa pang tweet, sinabi ni Kim Chiu na natatawa na lamang siya sa mga bagong bash sa kaniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels Bahala kayo magkagulo jan! yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi (PS namimiss ko na mag peace sign)," saad niya sa tweet noong Abril 30.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/30/matapos-magbigay-ng-opinyon-kim-chiu-na-bash/">https://balita.net.ph/2022/04/30/matapos-magbigay-ng-opinyon-kim-chiu-na-bash/

Sinagot naman ito ng TV host, comedian na si Arnell Ignacio, kung saan ipinaliwanag niya na ang trabaho naman talaga ng isang spokesperson ay nagsasalita bilang kinatawan. Marami raw kasing pinagkakaabalahan si BBM at awtorisado naman umano si Atty. Vic Rodriguez na magsalita in behalf of Marcos.

Sa huli, may payo si Arnell kay Kim.

"Get a spokesperson for yourself. MALAKING tulong 'yan, para di ka sumasabit Kim… hope to meet you soon."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/arnell-ignacio-pinayuhan-si-kim-chiu-para-hindi-raw-sumasabit-get-a-spokesperson-for-yourself/">https://balita.net.ph/2022/05/02/arnell-ignacio-pinayuhan-si-kim-chiu-para-hindi-raw-sumasabit-get-a-spokesperson-for-yourself/

Sa May 2 episode ng 'Cristy Ferminute' nina Cristy Fermin at Romel Chika, isa sa mga napag-usapan nila ang patuloy na pagratrat ng bashers kay Kim, na ayon kay Cristy, ay takang-taka siya kung talaga bang sinasadya ito ng actress-TV host.

"Ako'y takang-taka Romel, sinasadya ba talaga ni Kim Chiu ang mga kaeklatan na ganyan para siya pag-usapan? Nakakadala na kasi eh, 'di ba?" sey ni Cristy.

"Gusto ko na ring maniwala 'Nay na parang sinasadya niya na lang, kasi parang… kahit naman elementary, high school, alam mo 'yun… alam ito eh, bakit siya eh gano'n, hindi, hindi maganda… chaka…", segunda naman ni Romel Chika.

Ipinaliwanag naman ni Cristy kung ano ba talaga dapat ang trabaho ng isang spokesperson. Nakakaloka raw si Kim Chiu at naungkat pa ang pinag-usapan ding 'Bawal Lumabas' at marami pang iba. Tinatawag daw tuloy na 'lutang' o 'Biobio' (balbal ng bobo).

Para daw kasing nananadya na si Kim na magtanong ng mga tanong na alam na raw mismo nito ang sagot.

Kaya may payo si Cristy kay Kim.

"Alam mo pinakamagandang magagawa ni Kim Chiu? Ipaano niya, ipa-Feng Shui niya yung spokesperson, tutal din lang eh naniniwala siya…"

Ayon pa kay Cristy, 'subliminal' o may natatagong mensahe o nais palabasin si Kim Chiu sa kaniyang intensyon kung bakit niya na-tweet ang gayon.

Samantala, may ilan namang netizen na nakuha ang nais ipunto ni Kim.

"Actually, valid din naman question from KIM CHIU. Sometimes, we have to hear from the concerned party himself because we want to know it straight from his mouth."

"Valid naman ang tanong ni Kim. Sa lahat ba ng pagkakataon, kailangang spokesperson ang humaharap? O baka naman hindi lang niya alam talaga kung paano magre-respond? Mas mainam na sa mismong bibig ng aspiring president malaman ang paliwanag. Kapag may spokesperson na kasi, pinagaganda na sa pandinig o mambabasa."

"He just chose the network favorable to him. Kapag alam niyang hindi na, spokesperson na ang ibabalandra."

Samantala, wala pang tugon o rekasyon si Kim tungkol dito.