Walang nakikitang problema simolecular epidemiologistDr. Edsel Maurice Salvana sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec) na payagangmakaboto sa May 9 National elections ang mga positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sa Laging Handa Public briefing, nilinaw nito na mayroon namang health protocols na ipinaiiral ang komisyon para sa mga nagpositibosa sakit.

Aniya, regular namang nakikipag-ugnayan ang Comelec sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force kaugnay ng usapin.

Gayunman, sa naunang pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III,  sinabi nito na bawal pa rin lumabas ang mga indibidwal na nasa isolation facility at positibo sa sakit o may sintomas nito.

Nilinaw naman ng Comelec na hindi na kailangan ng Covid-19 test results o vaccination card upang makaboto sa Mayo 9.

Idinagdag pa ng ahensya na hindi na inoobliga ang mga botante na mag-face shield dahil sapat na ang pagsusuot ng face mask.