Ibinunyag ni Kapuso actress Carla Abellana na ang kaniyang lolo raw ay na-detain noon sa kagagawan ng pamilya Marcos dahil daw sa usaping panlupa.

Ibinahagi ni Carla sa kaniyang IG story ang screengrab ng IG story naman ng kaniyang pinsan na nagngangalang 'Samantha Chan' kung saan ibinahagi naman nito ang testimonya ng aktres na si Boots Anson-Roa hinggil sa mga nangyari noong panahon ng Batas-Militar, sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ang ama ng kasalukuyang presidential candidate at dating senador na si Bongbong Marcos, Jr. o BBM ng UniTeam.

No description available.
Screengrab mula sa IG/Carla Abellana

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"During Martial Law, my grandfather (like many others) was detained against his will. He didn't do anything wrong or illegal. He just had a good business and some land that the Marcos administration wanted to take over," saad sa caption nito.

"…And he was one of the 'lucky' ones, he got out alive. He did not disappear."

"Tama naman we can't change or keep living in the past, but we do have the opportunity to shape a bright future. Tama din that we should respect other people's opinion, but also, we can't deny the facts."

"Doon tayo sa TAPAT. An accountable leader that leads by example---with a track record that speaks for itself. Wag natin palagpasin yung opportunity na ito. Bayan, pumili ka," sey ng pinsan ni Carla na may hashtags na #LeniKiko2022 at #LeniKikoParaSaLahat.

Sey naman ni Carla sa kaniyang text caption, "Sam is my cousin. And yes, our Grandfather was detained because the Marcoses wanted our 25-hectare property in Sta. Ana all to themselves."

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag ang kampo ng pamilya Marcos tungkol dito.