Umarangkada na naman si presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Abril 2022.

PULSE ASIA

Sakaling ginanap ang eleksyon noong survey period, 56 porsiyento ng respondents ang pumili kay Marcos na maging susunod na presidente ng Pilipinas.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nasa ikalawang puwesto naman si Vice President Leni Robredo na may 23 porsiyentona sinundan naman ni Senador Manny Pacquiao na may pitong porsiyento.

Nakakuha naman ng apat na porsiyento si Manila Mayor Isko Moreno at dalawang porsiyentonaman si Senador Ping Lacson.

Isinagawa ang nasabing survey noong Abril 16 hanggang Abril 21, 2022 at mayroon itong 2,400 respondents.

Samantala, mayroon din itong 2% na margin of error.