Nagpasalamat ang kampo ni presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos sa mga patuloy na nagtitiwala sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas.
Naglabas ng pahayag ang Chief of Staff at Spokesman ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez matapos lumabas ang resulta ng presidential survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Abril 16 hanggang Abril 21, 2022.
"Marami pong salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at ang standard-bearer ng PFP ay nananatili pa ring Number One sa inyong mga puso," saad ni Rodriguez.
"Seven days to go before election day, the trajectory and the numbers of presidential frontrunner Bongbong Marcos and vice-presidential leader Sara Duterte are showing no signs of slowing down.
"The message and call for UNITY have reverberated all over the land among a great majority of Filipinos who responded by continuously embracing the tandem of BBM-SARA.
"For all of us in the UniTeam, the most important survey is the election day itself, thus, we call upon our countrymen to be vigilant and let us make sure that the true and genuine will of the people shall be heard, be counted and prevail," ayon pa kay Rodriguez.
Sinabi rin ni Rodriguez na ang darating na eleksyon ay tungkol sa "future" ng mga Pilipino.
"This election is all about our future, as Filipinos of one race and as one nation. Please go out and vote on May 9," aniya.
Sa inilabas na survey ng Pulse Asia, umarangkada na naman si Marcos na may 56 porsiyento ng voters preference.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/bongbong-marcos-umarangkada-na-naman-sa-pulse-asia-survey/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/02/bongbong-marcos-umarangkada-na-naman-sa-pulse-asia-survey/