Tiwala pa rin ang kampo ni Vice President Leni Robredo na ang people's campaign ang mabibigay-daan para manalo si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa kabilang ng pinakabagong survey results na inilabas ng Pulse Asia nitong Mayo 2, 2022.

Sa inilabas na survey ng Pulse Asia, nangunguna pa rin ang kalaban ni Robredo na si Bongbong Marcos na may 56 na porsiyento ng voters preference. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/bongbong-marcos-umarangkada-na-naman-sa-pulse-asia-survey/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/02/bongbong-marcos-umarangkada-na-naman-sa-pulse-asia-survey/

“The latest Pulse survey conducted last April further confirms Vice President Leni Robredo’s upward trajectory and momentum,” ani lawyer Barry Gutierrez sa isang pahayag.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Her numbers remain encouraging, even if the survey does not yet capture the series of massive rallies from mid April onwards, including the record-breaking 400k+ Pasay Rally on April 23,” dagdag pa niya.

Dinaluhan ng 400,000 na kakampinks ang birthday rally ni Robredo sa Macapagal Boulevard, ayon sa mga organizers. Ngunit ayon saNational Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 70,000 - 80,000 lamang ang dumalo.

"The remaining weeks of the campaign have seen intensified efforts at house-to-house, person to person campaigning by thousands of volunteers, which we believe will translate support on election day," anang OVP spokesman.

"This has truly become a People's campaign, a grassroots movement of Filipinos from all walks of life and from all over the Philippines. We put our trust that this People's Campaign will win the day on May 9," dagdag pa niya.