Hindi na babalik sa 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10' ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez dahil sa mas mahalaga umanong misyon na kailangan niyang ipanalo, hindi lamang para sa sarili kundi, para sa karangalan ng buong Pilipinas.

Sa 'Day 197: Kuya's Biga-10 Pasabog' episode ng PBB nitong Mayo 1, ibinunyag ang nalalapit na pagsasama-sama ng Top 2 ng bawat kumunities (celebrities, adults, at teens) gayundin ang 'big decision' ni Alyssa na i-give up ang kaniyang PBB stint para sa paghahanda at pagsasanay para sa Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansang Vietnam.

Noong Enero, sina Alyssa at Anji Salvacion ang itinanghal na Top 2 ng celebrity edition.

“Dito po sa labas ng inyong bahay, meron pong mga commitments na kailangan din po akong gampanan para po sa ating bansa. Magpi-prepare po ang national team para sa nalalapit na SEA Games,” saad ni Alyssa kay 'Kuya'.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Sa Vietnam po ito gaganapin and hindi ko rin po masasabi kung kailan po matatapos, kaya naman po hindi ko po magagampanan at hindi po ako makakabalik sa loob ng inyong bahay."

Malugod namang tinanggap ni Kuya ang pagpapaalam ni Alyssa, dahil isang malaking karangalan at hamon ang dadalhin ng volleyball team nina Alyssa para sa bansa.

Samantala, ang ikaapat na pasabog naman ay ang pagpalit sa kaniya ni Miss Grand International 2020 1st Runner Up Samantha Bernardo, na siya namang pumangatlo kina Alyssa at Anji sa last votation (pinagsamang BBS at BBE) sa kanilang lima, kasama pa sina Brenda Mage at Madam Inutz.

Walang kaalam-alam si Samantha na siya pala ang papalit kay Alyssa; ang pagkakaalam niya ay guest co-host lamang siya nang mga sandaling iyon.

Nagpaabot naman ng mensahe sa kaniya si Alyssa sa pamamagitan ng video message.

Tinanong ng mga PBB host na sina Bianca Gonzales, Enchong Dee, at Robi Domingo si Sam kung tinatanggap ba nito ang hamon.

"Knowing me, hindi ako sumusuko sa anomang pagsubok at hamon ng buhay. I am not a quitter and I will always say na okay lang sa akin na matalo as long as I fight ’til the end. So tinatanggap ko po ‘yon at isang malaking karangalan na ako ang kapalit ni sissy (Alyssa Valdez) at laban natin ito, sissy,” matapang at emosyunal na tugon ni Samantha.

Makakasama nina Samantha at Anji ang top 2 ng adult edition na sina Nathan Juane at Isabel Laohoo habang on-going pa ang teen edition.

&t=67s