Hindi natinag si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson, Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Marie Badoy sa iniharap na petisyon ng Alliance of Health Workers (AHW) na ipawalang-bisa ang kanyang lisensya sa pagka-doktor.
At sa halip ay pinanindigan ni Badoy ang nakaraang pahayag nito na legal front ngCommunist Party of the Philippines (CPP) ang AHW.
Layunin aniya ng petisyon na patahimikin angNTF-ELCAC."The Alliance of Health Workers is a front of the CPP-NPA-NDF (New People’s Army-National Democratic Front) and the amusing gimmick of trying to strip me of my medical license is just another attempt to harass and silence NTF-ELCAC," ayon sa pahayag ni Badoy nitong Sabado ng gabi.
Nitong April 1, naghain ang AHW ng petisyon saProfessional Regulation Commission (PRC) upang ipa-revoke ang lisensya nito dahil sa umano'y paglabag nito sacode of conduct and ethical standards of the medical profession matapos isapubliko na konektado ang grupo sa communist movement.
Noong Abril 7, nagharap naman ang grupo ng reklamong administratibo at kriminal sa Office of the Ombudsman kaugnay ng usapin.
Depensa ni Badoy, nais lamang ng AHW na patahimikin ang mga opisyal ng NTF-ELCAC na huwag nang ibunyag sa publiko ang mga legal fronts ng CPP.
"I expected nothing less from a front of this terrorist organization that uses the majority of its members -- noble front liners -- who have no idea that they have been deceived into joining a front of a terrorist organization which, if they will not leave now, will bring them nothing but great harm," dagdag pa ni Badoy.
PNA