Umabot na sa kabuuang 17,777 na miyembro ang Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI ng Las Piñas City, ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ito ay matapos ang isinagawang mass induction ng 750 mga bagong halal na opisyal ng KALIPI mula sa District 1 at District 2 ng Las Piñas City  na ginanap sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres nitong Abril 29.

Noong 1992 itinatag ang KALIPI na nagsimula lamang sa 1,000 na miyembro nito na personal na tinutukan ni Mayor Imelda "Mel" Aguilar hanggang sa umabot sa 17,777 na miyembro sa kasalukuyan.  

Sa magagandang layunin ng KALIPI ay pormal na nanumpa ang mga opisyales sa pangangasiwa ni  Vice Mayor April Aguilar na siya ring nagpatibay para sa kanilang panunungkulan sa organisasyong ito. 

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ayon kay Vice April, matindi ang kanyang pagmamahal sa lahat ng miyembro at bumubuo ng samahan sapagkat nakikita nito ang kanilang dedikasyon at pagsusumikap na mapagtibay ang kanilang mga layunin.

Ang KALIPI ay samahan ng mga kababaihan na nakatuon sa pagkakaroon ng livelihood at skills development project.

Naghihikayat din ang KALIPI chapters sa bawat barangay ng pakikiisa sa pagkakaroon ng women empowerment na silang responsable sa mga ikauunlad ng mga kababaihan. 

Suportado nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang lahat ng magagandang adhikain ng KALIPI sa lungsod.