Sinabi ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nais niyang maging bahagi ng kanyang gabinete ang kanyang campaign strategist na si Lito Banayo sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa.
“Of course, I’ll be happy to appoint Ambassador Lito Banayo. And I want him to be part of the government. I want people who are good in their respective fields of undertaking as I have promised the people,” aniya.
“The basis of appointment is meritocracy ay magaling ka sa field of undertaking. Kahit dilaw ka iha-hire kita. Kahit pula ka iha-hire kita. Kasi ang mahalaga sa akin ‘yung kapakinabangan ng taumbayan," dagdag pa niya.
Gayunman, hindi binanggit ni Domagoso kunganong posisyon sa gabinete niya ilalagay si Banayo.
“Basta ako, manalo muna tayo. I’ll cross the bridge when I get there. But in my mind, I have something but, ayokong pangunahan ang taumbayan, kung ano magiging desisyon ng taumbayan sa Mayo," ayon pa sa alkalde.
Sa kanyang panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Domagoso na ang kayang pagpili ay "color blind" o walang kinikilingan.
"My appointment will be color blind… May ina-eye akong dalawang tao sa dilaw. May dalawang tao akong ina-eye sa pula," aniya