Simula nang mag-umpisa ang lahat ng mga 'drama' kaugnay ng halalan, magmula sa pagpapahayag ng intensyong tumakbo, pagsusumite ng certificate of candidacy, proclamation rally hanggang sa aktwal na pangangampanya, halos lahat ng mga kulay ng suot na damit, senyas ng kamay, at mga social media post ay agad na ikinokonekta sa political stand ng isang indibidwal, karaniwang mamamayan man o sikat na celebrity.

Kagaya na lamang ng sikat na aktres at host na si Gladys Reyes na nakilala sa kaniyang mga kontrabida role. Noong Abril 25, ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post ang outfitan niya para sa taping ng 'All-Out Sundays' o AOS, ang noontime musical variety show ng GMA Network.

"Work mode… All Out Sundays taping," sey ni Gladys sa caption. Makikitang nakasuot siya ng pink outfit, pinasalamatan ang mga gumawa ng kaniyang hair, make-up, at style niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pinuri naman siya ng mga netizen dahil kahit nasa 40s na siya at isang working mom at asawa ay glowing pa rin si Gladys.

"You look stunning in pink. Real talk lang po… totoo namang maganda yung outfit and color… bumagay sa beauty niya…"

"So pretty in pink!"

"Pretty as always!"

"Parang dalaga lang. Well done!"

"Beautiful Ms. Clara!"

Maging ang mga senior stars na sina Chanda Romero at Carmi Martin ay napakomento rin sa kaniya.

"Fresh!! Bilib ako sa loyalty ni @mamarhayedelacruz," sey ni Chandra na tumutukoy sa gumawa ng hair and make-up ni Gladys.

Papuri naman ni Carmi, "Super love it! Winner ka talaga bff parang walang apat na anak sa katawan."

Samantala, may ilang mga netizen naman ang humula na baka isang Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem si Gladys. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan kung sinong kandidato ba ang i-eendorso ng 'Iglesia ni Cristo'. Isang INC member si Gladys. Subalit hanggang ngayon, wala pa ring kalinawan kung sino-sinong kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo ang ineendorso nila.

"You look good in pink Clara… #rosasAngKulayNgBukas love you Clara batang 90’s."

"Sana Kakampink…"

"Leni po ba?"

Sa Twitter, ibinahagi rin ito ng ilang mga netizen.

"This was posted 5 days ago. Clara? Ito na ba ang paggalaw ng baso?"

https://twitter.com/pauloMDtweets/status/1520234820827480065

"Gladys Reyes for VP Leni?"

"Nag-pink na si Gladys Reyes. Malakas ang kutob ko na si VP Leni dadalhin ng INC."

"Wow. After Tunying, now Gladys Reyes. Is this an indicator na INC will support VP Leni??!"

https://twitter.com/OfficialKpex/status/1520381001679384578

Bukod kay Gladys, hinihintay rin ng mga netizen ang endorsement ng kaniyang BFF na si Judy Ann Santos na siyang gumanap na 'Mara' sa kanilang iconic at patok na soap opera noong 90s.

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o komento si Gladys tungkol dito. Wala pa rin siyang opisyal na inihahayag, kung may ineendorso man siyang partikular na kandidato o partido.