Isa sa mga tumutok sa naganap na coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na naganap nitong gabi ng Abril 30 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City. 

Ipinasa ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang kaniyang korona sa 24 anyos na si Celeste Cortesi nang gabing iyon

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/01/celeste-cortesi-ng-pasay-city-itinanghal-na-miss-universe-philippines-2022/">https://balita.net.ph/2022/05/01/celeste-cortesi-ng-pasay-city-itinanghal-na-miss-universe-philippines-2022/

Si Michelle Dee ng Makati City ang itinanghal na Miss Universe Philippines Tourism habang si Pauline Amelinckx naman ng Bohol ang Miss Universe Philippines Charity.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Si Annabelle Mcdonnell ng Misamis Oriental ang first runner-up at si Maria Katrina Llegado ng Taguig City ang second runner-up.

Ang nagsilbing mga host nito ay sina Miss Universe queens Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere, at Demi-Leigh Tebow.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binuksan sa live audience ang coronation night dahil sa mas maluwag na alert level kaugnay ng pandemya.

Samantala, napa-tweet naman si Catriona tungkol sa mga tanong kaugnay ng Q&A portion.

"I wish the girls were given more difficult questions. Feeling ko kayang kaya nila. Anywho, who is your MUP2022? excitinggg! #MissUniversePhilippines2022," saad niya sa kaniyang tweet, 10:44PM ng Abril 30.

https://twitter.com/catrionaelisa/status/1520413899459543047

Isang netizen naman ang sumang-ayon sa kaniya at napakomento: "TAMA TE! YUNG QUESTIONS NILA KAYANG-KAYA SAGUTIN NG 12 YEAR OLD GIRL Now 24, this fashion model and singer has raised funds for various charities through benefit concerts in her country and abroad."

"Hoyyyy," sey ni Catriona sa netizen.

Narito pa ang ibang reaksyon ng mga netizen.

"Yes madali ang question. Pero feeling ko strategy ng MUPh 'yan para di mag-prepare ang ibang countries. Hahaha. Kasi akala nila hanggang doon lang ang kaya ng pambato natin this year. Haha."

"The questions were simple but the substance of the answer matters. Miss Universe is looking for someone who can communicate. Congrats."

"Siguro ang atake sa questions ngayon is how the girls can deliver a great answer out of the simplest questions. Remember last MU kay Bea, simplehan ang question kaya parang di niya expected kaya medyo off yung naging delivery niya."

"Questions should've been centered on socio-political issues, I guess."

"Ahm, I agree but honestly, we only need a decent speaker but a highly strong performer in pakabogan. We need to reach the placements first before going into the QnAs, that's the most important thing to have."

Nang maitanghal na Miss Universe Philippines 2022 si Celeste, kaagad na nagpaabot ng pagbati si Catriona.

"Congratulations Celeste! Welcome to the sisterhood!!" saad ni Queen Cat.

https://twitter.com/catrionaelisa/status/1520426476247875584

Ang tanong kay Celeste sa Q&A na inihatid sa kaniya ni Pia Wurtzbach na isa sa mga host ay "If you could stop time for a day, how would you spend it?”

“If I could stop time, I would spend it with my family, especially my mother. It’s been two years since I haven’t spent time with my family because they live in Italy, and I came here to the Philippines just by myself. If I had a chance to spend one day, I would definitely be with my mom, and I would just tell her how much I love her and I miss her," sagot ni Celeste.