Trending topic ngayong unang araw ng Mayo si Senador Dick Gordon dahil sa paninigaw umano nito sa isang staff sa naganap na campaign sortie ng Leni-Kiko tandem sa Batangas nito lamang Sabado, Abril 30.

Sa unang bahagi ng kanyang talumpati ay nilapitan siya ng isang staff at pinaatras dahil hindi raw siya makita sa likod. Nag-sorry naman ang senador.

Naglabas siya ng saloobin tungkol sa kaunti o limitadong oras ng pagsasalita ng mga kandidato para ihayag ang kanilang mga plataporma sa mga taong dumalo sa sortie. 

"I'd like to apologize because naguguluhan ako kanina nandoon na ako pinabalik ako. May medic pinalabas ko yung Red Cross, I'm sorry we are not allowed to speak as much as we want and that's what concerns me. What concerns me is nandito tayo, marami tayo you have to know what you're fighting for," saad ng senador.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"...but without the commitment, without the thinking, without the emotion, without the passion, we are not able to beat these people and you have to stand now and until May 9. Kaya natin? Kakayanin!" 

Pagkatapos ng talumpati, narinig sa Facebook live na tila pinagalitan niya ang isang staff.

"Hinarang ninyo ako doon, nagsasalita ako. Ano bang gagawin ko? Ayoko nang pumunta dito. O ayan, hawakan mo na!" ani Gordon.

Humingi naman ng paumanhin ang staff.

"Oh you're not sorry, you do that all the time," saad pa ng senador.

Trending topic sa Twitter Si Senador Dick Gordon na may 6,508 tweets, as of writing.

Narito ang ilan sa mga tweet ng mga Kakampinks:

"YOU LOST OUR VOTE YOU DICK"

"I gave this a lot of thought. NO TO DICK GORDON. Huwag nang muling ipasok si Dick."

"I have zero intention of voting for you so congrats on solidifying my choice"

"Please take him out of your lists for Senator. Napaka panget ng ugali. Bare minimum naman"

"Yikes. Dick meltdown caught on audio. Alam naman nating lahat what a trapo Dick Gordon is. This is him just proving us right."

"Dick gordon is named dick after all lol i-pullout niyo to sa list"

"I was there actually and because I am at the back I can't hear what's Dick Gordon saying. When he went out nobody cheered for him lol. He has this vibe that's quite intimidating and prideful. In short, I never liked him because I can feel that he has some attitude problems."

"Not surprised and disappointed. Feeling entitled sya always"