LINGAYEN, Pangasinan -- Nanawagan si presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mamamayan ng Pangasinan na sana matuldukan na ang bangayan umano ng dalawang kulay-- pula at dilaw.

“Hindi na matatapos ang away ng pula at dilaw, either of them kung sino ang iboboto nyo, and I will respect that whoever you are going to vote whether pula o dilaw because this is democracy. And Irespect everyone's rights, views, and opinions, “ pahayag nito sa kanyang pagbisita sa Lingayen nitong Sabado, Abril 30.

Nanawagan ito na sana ay hindi na mapalawig pa ang 39 taon na away ng pula at dilaw/pinklawan.

“It's been that way since 1986 kailan ba tayo mapapanatag. Kaya mga kababayan nananawagan ako sa inyo na tuldukan na natin away ng pula at dilaw/pink," anang alkalde.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aniya marami nang stress na pinagdadaanan ang mamamayan at tiyak na hindi na kakayanin ang bangayan ng dalawang panig at nakikita na kahit sino pa manalo ay mahirap na magbigayan.

Kaya giit nito sa mga taga Pangasinan na siya ay samahan siya sa laban.Tiniyak din ng alkalde na sakaling siya ang pagbibigyan ay makakamit ang peace of mind.

Walang anumang away, higanti at bawian. Ang kaniyang pagtutuunan umano ng pansin at ng kaniyang mga kasama sa lineup ayang masolusyunan ang problema sa bilihin, kuryente, gasolina, bahay, eskwelahan, ospital, minimum basic needs, at trabaho sa mga tao.