Nakakolekta ng 60 toneladang mga election campaign materials sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang mga nakolektang election campaign materials ay sa pamamagitan ng “Operation Baklas” sa pangunguna ng Commission on Elections (Comelec) ilang araw bago ang halalan.

Sa kanilang operasyon, inalis ang mga illegally-posted materials tulad ng tarpaulins, posters, at iba pang election paraphernalia na nakasabit sa mga poste, puno, kawad ng kuryente, linya ng telepono, at mga puno sa mga lansangan ng Kalakhang Maynila.

Katuwang ng Comelec sa nasabing operasyon ang MMDA, Metro Manila local government units, at Philippine National Police (PNP)sa kanilang kampanya laban sa mga campaign materials na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan at nakakabit sa labas ng designated common poster areas.