Humigit-kumulang 2,000 tagasuporta ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao ang nagmartsa mula Luneta Park patungo sa Philippine International Convention Center (PICC) ngayong Linggo, Mayo 1 upang gunitain ang Araw ng Paggawa at upang ideklara na ang eight-division boxing champion ang tanging kandidato na may "tunay na puso na tumulong sa labor sector."
Ang prayer march ay inorganisa ng mga volunteers mula Las Pinas, Paranaque, Pasay, Bacoor, San Jose del Monte Bulacan, Caloocan, at Quezon City.
Anila, tunay na "representative" ng labor sector ang senador.
Ang prayer march ay pinangunahan nina Mel Bernabe ng Friend of MP Support Group (FMPSG), Pastor Jun Cabatbat, at mga pinuno ng iba;t ibang grupong sumusuporta kay pacquiao tulad nina dating PBA star Zaldy Realubit, Pastor Fred Balabrica, Cenon Prias, Rociel Dela Cruz, at Pastor Julito Bob Sarita, atbp.