Lilimitahan na ngpamahalaang panlalawigan ng Aklan ang pagpasok ng mga turista sa pamosong Boracay Island kapag umabot na ito sa carrying capacity.

Paglalahad ni Governor Florencio Miraflores, ititigil na ng provincial government ang pagbibigay ng quick response (QR) codes sa mga turistang nagpaplanong pumasok sa isla upang makontrol ang pagdagsa ng mga ito.

Ibinibigay ang QR codes kapag nakapagsumite na ang mga turista ng requirements, kabilang na ang kumpirmadong hotel reservations at vaccination certificate.

Gayunman, wala pang tiyak na petsa ang pagsisimula ng nasabing paghihigpit ng pamahalaang panlalawigan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Umaabot lamang sa 19,215 turista ang carrying capacity ng isla. Dapat ding aabot lamang sa 6,405 ang dagsa ng mga turista upang mapangalagaan ang isla.

Matatandaang sinitang Department of Tourism (DOT) ang mga opisyal ng lalawigan at alkalde ng Malay dahil sa paglagpas ng carrying capacity ng isla matapos nitong Abril 14 (21,252) at 22,519 na turista nitong Abril 15.