Isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang inaresto sa dahil umano sa pangingikil sa isang negosyante sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa Pasig City nitong Biyernes ng gabi.

Nakakulong na ang suspek na si Jomar Palata, 40, nakatalaga sa Office of the Assistant General Manager for Operations ng MMDA.

Sa report ng mga awtoridad, si Palata ay dinampot ng mga tauhan ngHighway Patrol Group-Special Operations Division sa Pasig City, nitong Abril 29 batay na rin sa reklamo ng isang negosyanteng may-ari ng mga pampasaherong van na bumibiyahe sa Metro Manila.

Sa pahayag ng complainant na hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan, nagpakilala sa kanya ang suspek bilang tauhan ng law enforcement division ng Land Transportation Office (LTO) at nagbanta umano na huhulihin ang lahat ng pampasaherong van nito kung hindi magbibigay ng suhol na P100,000.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima na ikinaaresto ng suspek.

Nahaharap na ang suspek sa kasong robbery, extortion, grave coercion, at usurpation of authority.