Partida na kaya ang mga napagwagiang special awards ng Kapuso actress at former Miss World Philippines 2019 na si Michelle Dee sa recent preliminaries ng Miss Universe Philippines (MUP) 2022? Siya kasi ang kilalang former beauty titlist na napabilang sa MUP 2022 candidate at isa sa mga frontrunners.

Kamakailan nga lang sa preliminary competition ng MUP 2022 nanalo si Michelle ng anim na awards gaya ng Miss Kumuniverse, Miss Creamsilk, Face of Essentials by Belo, Miss Jojo Bragais, Miss Savepoint, and Miss The Medical City.

Hudyat na kaya ito na masungkit ni Michelle ang korona ng MUP 2022?

Well, matatandaang magmula ng mapasakamay nila Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup ang franchise ng Miss Universe Philippines noong 2019 umariba na ang first edition last 2020 at si Rabiya Mateo nga ang nanalo during that time. Rabiya is considered as a dark horse not a frontrunner na kagaya ng kasabayan niyang si Michelle Gumabao na isang former Binibining Pilipinas Globe 2018 in other words isang title holder.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

After Rabiya, the following year as usual ang nanalong Miss Universe 2021 ay isa ring dark horse si Beatrice Luigi Gomez na isang proud member ng LGBTQ.

Kasabayan niya ang frontrunners na sina Katrina Jayne Dimaranan na isang former Binibining Pilipinas Tourism 2012 at nagrepresenta ng USA noon sa Miss Supranational 2018 at naiuwi ang 1st runner-up ng nasabing pageant. Ang isa pa ay si Leren Mae Magnaye Bautista na isa ring title holder. Siya ay former Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International 2015, Binibining Pilipinas Globe 2019, Miss Tourism Queen of the Year International 2015 at 2nd runner-up sa Miss Globe 2019.

Ang tanong another dark horse pa rin kaya ang mananalo ng Miss Universe Philippines 2022 o mahihinto na ang ganitong nakasanayan?

Abangan ngayong April 30, Sabado sa Mall of Asia Arena sa ganap na 7:00 ng gabi na magkakaroon ng livestreaming sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, iWantTFC, at sa The Filipino Channel.Magsisilbing coronation night's hosts ay sina former Miss Universe titleholders Pia Wurtzbach (2015), Iris Mittenaere (2016), at Demi-Leigh Tebow (2017).

Ang kasalukuyang Miss Universe 2021 na si Harnaaz Sandhu ay kumpirmado daw na magiging isa sa mga judges sa final night ng MUP 2022.

Kabilang naman sa mga guest performers ay sina Bamboo, Francisco Martin, at Sam Concepcion.