Suportado ng isa sa mga kongresistang nag-deny sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ang kandidatura ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Sa ginanap na people's rally noong Biyernes, Abril 29, inendorso ni Laguna 1st District Representative Dan Fernandez ang kandidatura ni Robredo.

"Alam ninyo napaka-sarap ng inyong sigawan, kung ngayon lang gagawin ang eleksyon dito sa Sta.Rosa, ngayon gagawin ang ating halalan? Garantisado ang ating kandidato, panalo," ani Fernandez.

“Pero, ito ang sasabihin ko sa inyo, ito ang katotohanan ng ating laban sa pagkakataon na ito, tayo ay naghahabol, tayo ay kailangangang tumulak pa, bitin pa, laban pa, hanapin pa natin ang mga nasa laylayan ng ating lipunan. Sapagkat sila ang tunay na minahal ng ating kandidato na si Leni Robredo,” dagdag pa ng kongresista.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ayon pa sa kanya, kailangan pa raw tumulak ng mga volunteers sa nalalabing walong araw ng kampanya.

“Hanggang sa kahuli-hulihan, ‘yong lahat ng ating lakas, ibuhos po natin para mangumbinsi pa ng iba."

Isa si Fernandez sa 70 kongresista na hindi pumabor sa renewal ng prangkisa ng network giant na ABS-CBN.

Samantala, nagpahayag din ng suporta ang kapwa niyang kongresista na si Laguna 3rd District Representative Sol Aragones kay Robredo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/30/rep-sol-aragones-trending-sa-twitter-matapos-iendorso-si-vp-leni/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/30/rep-sol-aragones-trending-sa-twitter-matapos-iendorso-si-vp-leni/