Nanawagan ang Far Eastern University (FEU) Central Student Organization sa kanilang unibersidad na manindigan matapos maglabas ng pahayag ang unibersidad na sila ay "traditionally apolitical."

"We call upon the University to make its stand. Learn from your students and listen to your constituents. Tumindig na kami, sana kayo rin," saad nito sa caption ng kanilang Facebook post noong Biyernes, Abril 29.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"World War II. Martial Law. Extrajudicial killings. History has proven that our university has pushed back against grave injustices and abuse of power," anang FEU CSO.

"The Tamaraw core values of Fortitude, Excellence, and Uprightness call for us to stand and fight for truth-- being traditionally apolitical is not part of them. May we always be brave to battle for the right," dagdag pa nito.

"Ipanalo natin ito para sa lahat."

Matatandaan na naglabas ng pahayag ang pamunuan ng Far Eastern University tungkol sa kanilang pagiging apolitical matapos kumalat ang mga larawan ng mga FEU Lady Tamaraws na sumusuporta sa tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

"FEU has been traditionally apolitical. FEU students and employees can endorse any candidate running for elections in their own personal capacity," anang FEU.

"They do not represent the University," dagdag pa nito.