Muling nag-react si senatorial candidate Chel Diokno sa hindi pagtugon ni dating Senador at frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa paanyang debate ni Bise Presidente Leni Robredo.

Aniya, binabansagang "pambasang chicken" ang kandidatong ito ngunit hindi naman sumisipot sa mga debate.

"Sabi nila “pambansang chicken” daw yung ayaw sumipot sa debate. Pero buti pa ang chicken, sinusuri, kinikilatis, tinitimbang bago piliin at bilhin," ani Diokno.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1520038133642846210

Dagdag pa niya, nagiging paraan ang debate upang sukatin at timbangin ang mga kandidato kung karapat-dapat ba itong makakuha ng boto ng taumbayan.

Aniya, "Nagdadaos tayo ng mga debate para matimbang ang mga kandidato at makita kung karapat-dapat ba sila sa boto natin. Sana kung gaano tayo ka-pihikan sa manok na binibili sa palengke, ganon din sa manok natin sa eleksyon."

Mahalaga ang pagdalo sa mga debate dahil dito aniya nakikilatis ng taumbayan kung meron nga bang plano o wala ang mga kandidato.

BASAHIN: Chel Diokno, may patutsada: ‘Kung sa debate nga takot na, paano pa kung naharap na sa mga problema ng bansa?’

"Sa debate malalaman kung meron bang plano o wala ang mga tumatakbo. Dito rin lilitaw kung sinsero ba talagang tumulong ang isang kandidato o pansariling interes lang ang nais isulong."