Tila nilektyuranng TV host at komedyante na si Arnell Ignacio si Vice Ganda tungkol sa naging pahayag nito na wala na silang hinahabol na dating prangkisa ng ABS-CBN.
“'Yung dati naming prangkisa meron na pong nagmamay-ari. Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-ari nila ‘yan ng ilang dekada,”sagot ni Vice Ganda sa mga akusasyon ng “trolls” na prangkisa ng ABS-CBN ang dahilan ng aktibong pangangampanya at pag-endorso ng ilang Kapamilya stars sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Dagdag ni Vice, “Wala na pong mahahabol ang ABS sa kanila na po ‘yun. At ang sabi nila na ang habol [ng mga artista]…wala na pong franchise ang ABS. Wala po kaming hinahabol na franchise. Malinaw ‘yan ha.”
Matatandaan na noong Enero, kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na nailipat na nito sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), isang kompanya na naiuugnay kay Manny Villar, ang Provisional Authority (PA) na magamit para sa isang broadcast system ang dating ABS-CBN frequencies na Channel 2 at Channel 16.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/27/kampanya-para-sa-prangkisa-vice-ganda-sinupalpal-ang-akusasyon-ng-trolls/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/27/kampanya-para-sa-prangkisa-vice-ganda-sinupalpal-ang-akusasyon-ng-trolls/
Samantala, sa vlog ni Arnell Ignacio noong Abril 28, tila nilektyuran niya ang kapwa komedyante.
“Ayan, sinagot kayo ni Vice kasi ang kukulit ninyo. Pinagbibintangan ninyo sila na kaya lamang sila sumusuporta para maibalik ang kanilang franchise.
“Ang sabi niya sa inyo, ‘Hoy, hindi na kami interesado. Hindi namin hinahabol yung franchise na ‘yan dahil meron nang may-ari,'” saad ni Ignacio.
Aniya, may mali raw sa argumento ni Vice.
“Vice, walang may may-ari ng franchise kasi wala naman lumabas na franchise at yun ay libre. Ang tinutukoy mo ay yung frequency," anang TV host.
Dagdag pa niya, puwedeng-puwede pa raw talaga nilang i-apply muli ang prangkisa.
“So, itong pagbibigay ninyo ng suporta eh puwede talagang maidugtong dun dahil kung saka-sakaling papabor yung susunod na administrasyon, the network will be resurrected eh talagang it will go through the process. Pero hindi imposibleng ito na ay ma-grant," paglelektyur ni Ignacio.
“Next, the NTC, mayroong ina-assign na frequency para diyan sa mabibigyan ng prangkisa na mag-operate ng network. You need this frequency, ito yung channel, so you cannot go back to the previous channel that you were using before.
“Puwede kayong ma-assignan ng bagong channel, maaari Channel 6 na kayo or Channel 8 or whatever, so it is not impossible.
"If the administration that you supported favors the resurrection of the network, hindi ito magiging as challenging as before. Okay? But then, of course, you will always keep in mind that ang prangkisa ay ina-apply sa Congress. Ang frequency ay ina-assign ngNational Telecommunications Commission. Yun ‘yon. Okay?
“So, parang ang ating palitan, ang iyong inihahain na argumento at depensa ay base sa mas sound na basehan. Anyway, pero ang inyong karapatan kung sino ang inyong susuportahan, e, ‘yan ay hindi nangangailangan ng franchise,” paglalahad pa ng TV host.
Kilala si Ignacio bilang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.