Magkakasabay na inaresto sa isang lugar sa Maynila ang walong lalaking may warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Omnibus Election Code noong 2016.

Ang walo ay kinilala ng pulisya na sina Mikko Tero, 26, Miraluna Abelay, 45, Gerald Evangelista, 22, Philip Regodo, 24, Crystal Rapel, 22, Stella Pinohon, 23, Villa Regodo, 22, at Jomar Rasonabo, pawang taga-Binondo, Maynila.

Ipinaliwanag naman ni Manila Police District (MPD) Spokesman Maj. Philip Ines, ang walo ay may hiwa-hiwalay na warrant of arrest at magkakasamang dinampot sa San Marcelino Street kamakailan.

Posible aniyang nalaman ng walo na mayroon silang arrest warrant na inilabas pa ng hukuman noong 2018 kaya nagmi-meeting sila sa lugar bago sila maaresto.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Binanggit pa ng opisyal na nang maisampa ang kaso noong 2016 ay posibleng hindi dumadalo sa pagdinig ang mga ito kaya naglabas ng warrant of arrest nang korte.

Nakapagpiyansa na aniya ang walo para sa pansamantala nilang kalayaan.