Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 240 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Abril 30.
Dahil sa pagkakadagdag ng mga bagong kaso, umabot na sa 3,685,643 ang kaso ng sakit sa Pilipinas.
Sinabi ng DOH, patuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso sa bansa at tinukoy ang naitalang 7,165 nitong Sabado na mas mababa kumpara sa 8,389 nitong Biyernes.
Kabilang naman ang Metro Manila, Region 4A at Region 3 sa tatlong rehiyong nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa huling datos ng ahensya, nasa 3,618,137 ang kabuuang pasyenteng nakarekober sa Covid-19.
Gayunman, umabot pa rin sa 60,341 ang kabuuang binawian ng buhay sa sakit.