Tila may pasaring ang Kapuso actress na si Pokwang tungkol sa pagiging umano'y duwag.

"Kaya ako hanga ako sa lugaw at lutang kasi may BAYAG HINDI DUWAG!!!" saad ni Pokwang sa kanyang tweet nitong Biyernes, Abril 29.

May kalakip itong mga hashtag na #LeniKikoAllTheWay #LetLeniLead2022 #leni10 #kiko7.

https://twitter.com/pokwang27/status/1519943901964279808

Nag-tweet ang aktres matapos umusbong ang Balitang hinahamon ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang kanyang kalaban na si dating Senador Bongbong Marcos ng isang one-on-one debate na agad tinanggihan ng kampo ni Marcos.

Kilala si Pokwang bilang certified na kakampink at nakadalo na rin siya sa ilang mga campaign sortie ng Leni-Kiko tandem.

Kamakailan ay naging matunog ang kanyang pangalan dahil panggagalaiti nito sa isang director ng GMA na si Rado Peru at aktor na si DJ Durano.

“Sino nakakakilala sa napaka-unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? Basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!!”

“Troll ka ba kaya ka triggered? Pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? Ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po di ba? Pwede kita idemanda po fyi!”

“At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? Nagfi-feeling Ai Ai ako??? Hahahahaha unang-una oo sikat ako kumpara sa’yo tah ka plastik ka!!! Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto n’ya! Kapal ng mukha mo! Kung sino man mga friend n’ya dito paki-paabot sa kaniya ito plastik siya!!”

Basahin ang buong pahayag:https://balita.net.ph/2022/04/28/pokwang-nanggalaiti-sa-direktor-ng-gma-na-si-rado-peru-at-aktor-na-si-dj-durano/