Anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakabilanggo ang inihatol ng Makati City Metropolitan Trial Court (MTC) sa pinsan ni Ilocos Norte 1st District Rep. Ria Fariñas kaugnay ng kasong estafa na isinampa ng isang indibidwal na naloko sa pag-i-invest ng2 milyon sa pelikulang "Goyo: Ang Batang Heneral" noong 2019.

Sa desisyon ni Makati MTC Branch 127 Judge Clemente Clemente noong Abril 8, gayunman, isinapubliko lang ito nitong Biyernes, napatunayang nagkasalasi Riza Katrina Evans at pinagbabayad ito ng korte ng halagang2,000,000 pati na ang legal interest na 6% kada taon simula nang isinagawa angjudicaldemand noong noong Nobyembre 29, 2019 sa complainant na si Arran Lester Galvan.

Sa rekord ng korte, noong Oktubre 2017 ay natangay si Evans, asawa rin ng aktor na si Matt Evans, ang2 milyon ni Galvan, na investment umano sa produksyon ng pelikulang "Goyo: Ang Batang Heneral."

Bukod sa pagpapakilalang konektado sa TBA Studios na siyang film company na nagpo-produce ng nasabing pelikula ay nagpakilala rin si Evans na pinsan ni Congresswoman Fariñas at pamangkin ni dating Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Noong Hulyo 14, 2020, pinasinungalingan naman ng isa sa mga testigo ang sinasabi ni Evans na siya ay konektado sa TBA Studios.

Noong Hunyo 2017, nakumbinsi ni Evans si Galvan na mag-invest ng2 milyon para sa nabanggit na pelikula na ibinigay ito ng cash ni Galvan sa akusado.

Noong Hunyo 1, 2020 ay iprinisinta ng prosekusyon si Galvan at dala nito ang isang tseke mula sa China Bank na5.2 milyon bilang bayad at interestng pera nito na may petsang Agosto 22, 2018 at pirmado rin ni Evans.

Gayunman, tumalbog ang nasabing tseke kaya sinampahan na ng kaso si Evans.

Noong Disyembre 4, 2019, inaresto si Evans ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Makati City Police sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Clemente, matapos dumalo sa isang pagdinig sa isang hiwalay na kaso nito sa City Hall.

Pansamantala namang nakalaya si Evans nang magpiyansa ng30,000.