Katulad ng kaniyang running mate na si presidential candidate at Vice President Leni Robredo, hindi rin dadalo ng Comelec-KBP forum si vice presidential aspirant Senador Kiko Pangilinan, gayunman, may patutsada ang senador sa Marcos-Duterte tandem.

“Tulad ni VP Leni Robredo, hindi ako makakadalo sa Comelec-KBP Pilipinas Forum 2022 dahil konting tulog na lang, eleksyon na at punong-puno na ang schedule natin sa direktang pagharap at pagpapasalamat sa mga volunteer, at sa pagkukumbinsi pa sa mga ‘Andy’ o undecided sa lugar mismo nila," ani Pangilinan nitong Biyernes, Abril 29. 

“At susugan ko rin ang hamon ni VP Leni kay Ginoong Bongbong Marcos at sa aking katunggali, kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte na dumalo dahil bukod tangi sila sa lahat ng mga kandidato na hindi kailanman nagpakita sa mga debate," dagdag pa niya.

Nitong Biyernes din, umusbong ang Balitang https://balita.net.ph/2022/04/29/robredo-hinamon-ng-debate-si-marcos-kung-papayag-po-kayo-anytime-anywhere-darating-ako/">hinahamon ni Robredo si Marcos ng isang one-on-one debate na agad https://balita.net.ph/2022/04/29/bbm-camp-sa-hamon-ni-robredo-hindi-ito-kailanman-mangyayari/">tinanggihan ng kampo ni Marcos.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Matatandaan na ang Marcos-Duterte tandem, front runners sa pagkapangulo at pagka-bise presidente, ay hindi dumalo sa mga naganap na presidential debate, bukod sa SMNI-- na dinaluhan ni Marcos.

Patutsada ni Pangilinan, ang mga madalas na hindi nagpapakita ay may tinatago umano. 

“Madalas ang mga hindi nagpapakita ay may mga itinatago. Mayroon kayang itinatago ang kampo ng Marcos-Duterte? Patunayan niyong wala," aniya.