Iminungkahi ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Mayo 9 bilang special non-working holiday sa buong bansa dahil sa magaganap na eleksyong pang-lokal at nasyonal.

Sa Comelec Resolution No. 10784, sinabi ng Comelec en banc na ang pagdedeklara ng araw ng halalan bilang holiday ay magbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino, lalo na sa mga botante na lumahok sa botohan.

"Now, therefore, the Commission on Elections, by virtue of the powers vested in it by the Constitution, the Omnibus Election Code, and other election laws, resolved, as it hereby resolves, to request His Excellency President Rodrigo Roa Duterte to declare May 9, 2022, as a special non-working holiday all throughout the country in connection with the national and local elections," nasusulat sa resolusyon.

Ang resolusyon ay nilagdaan nina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan at Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, Rey Bulay, Aimee Torrefranca-Neri, at George Erwin Garcia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, sinabi ni Casquejo, Comelec-Office for Overseas Voting (OFOV) head, na mahigit 175,000 overseas voters ang bumoto.

Aniya, mayroong kabuuang 175,266 na botante sa ibang bansa ang bumoto noong Abril 28.

Karamihan sa mga botante ay nagmula sa Gitnang Silangan at mga bansang Aprikano na may 83,250, na sinundan ng mga rehiyon ng Asia at Pasipiko na may 76,745.

May kabuuang 13,462 na botante ang lumahok sa mga bansang Europeo habang ang mga bumoto mula sa Amerika ay 1,809.

Target ng Comelec ang 50% voter turnout. Ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante para sa pagboto sa ibang bansa ay 1,697,215.

Sinabi ni Casquejo na ang voter turnout sa 2016 polls ay 32 percent habang 12 percent noong 2019.